Miyerkules, Hulyo 16, 2014


Mabini Museum

(Apolinario Mabini: Sa Ugoy ng Nasyonalismo)



Reaksyon:

                      “ Ang kapansanan ay hindi hadlang upang tuparin ang tungkulin para sa Inang bansa”. Ang katagang ito ay pumasok sa aking isipan nang bisitahin ko ang museyo ni Apolinario Mabini. Alam nating si Apolinario Mabini ay naging isang lumpo dahil sa pagkakasakit ng “Infantile Paralysis” pero sa halip na manahimik at mawalan ng pag-asa, kasama siya sa mga kilusan tulad ng La Liga Filipina ni Rizal. Hindi man siya kasama sa pakikipaglaban ng mga sundalo, ginamit niya naman ang kanyang talino upang makatulong. Naisip kong si Mabini nga ay may malawak na imahinasyon at paniniwala. Dahil dito, nakapaglimbag din siya ng mga sulatin tulad ng  Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino, El Simil de Alejandro, at El Libra.

                    Sa aking paglalakad sa munting museyo ni Mabini, ako’y natuwa sa isang makina kahalintulad niya ang kompyuter kung saan nandoon ang buod ng buhay ni Apolinario sa bawat partikular na taon. Kahit na pangalawang bisita ko na ito mula noong ako’y “High School” pa lang dahil pinagdiriwang ang 150th anibersaryo ni Mabini sa PUP at ang aming paaralan ay isa sa mga naimbitahan, hindi pa rin  mawawala ang pagkamangha ko sa mga naka-display sa museyong ito


Marami din ako doong nakita, mga liham at sulat ni Apolinario Mabini at marami pang iba. Isa sa pumukaw sa aking pansin ay ang “Ratan”. Ako ay nagtaka kung bakit       may ganito, nang mabasa ko ang nakalagay ako’y naliwanagan. Totoo ngang ang ratan na ito ay sumisimbolo ng mga akda ni Apolinario Mabini na nagbigkis sa kaisipang makabayan.        Bukod sa  ratan, nakita ko rin ang “El Gobierno de los Estados Unidos en Filipinas”, isa sa mga sinulat ni Apolinario Mabini noong 1900. Napag-alaman ko ding malawak ang isipan at pananaw ni Apolinario tungkol sa pulitika ng bansa dahil na rin sa mga artikulo at mga isinulat nito.                         
                                             
Isa rin sa nagustuhan ko dito ay ang duyan. Base sa larawan, ito ay ginamit sa pagbuhat kay Apolinario Mabini. Nang maupuan ko ito, parang bumalik ako sa panahong iyon, panahon kung kailan nabubuhay ang ating bayani na si Apolinario Mabini. Nadama ko kung ano ang nararamdaman ng ating bayani habang nakahiga sa duyang ito. Dito,Nakalagay din tala ng mga bagay na sumisimbolo kay Apolinario Mabini tulad nga ng "ratan" na nabanggit ko kanina. Nahiwagaan din ako sa mga nakatala dito, mga katawagan na ibinigay kay Apolinario at marami pang iba.

Sa paglalakad, napadpad ako sa ibang 
dimensyon, “Si Mabini  at ang Digmaang Pilipino-Amerikano”. Ang seksyon na ito ay tungkol sa mga kaganapan sa panahong Digmaang Pilipino –Amerikano. Narito ang mga taong nakasama ni Mabini sa pagsulong ng karapatan ng mga Pilipino. Namangha din ako sa mga nakapaloob dito, mga larawan,petsa, mga hitsura ng pera sa panahong ito. Ganito pala ang hitsura ng lugar noon, kung paano sila manamit, mamuhay. Sadyang napakasimple ang kanilang minimithi at hinahangad. Sa isang maliit na larawan, katabi ko ang mga ilan sa importanteng tao na bumuo sa ating kasaysayan. Pakiramdam ko tuloy totoong nasa tabi ko sila at masuwerte ako’t nasilayan ko ang isang magandang museyo tulad nito, sadyang napakagandang repleka ng kasaysayan para sa aming kabataan.


                     Ang lahat ng ito ay ilan sa aking mga nalaman, napuna at nakalap batay sa aking mga nakita’t nadama sa pagbisita sa Mabini Museum sa loob ng PUP. Hindi man ako naroon sa panahong iyon, sapat nang makita’t masilayan ang mga larawan, artifacts, mga kagamitan at iba pa na patunay sa mga kahanga-hangang ginawa ng ating bayani na si Apolinario Mabini na ilan sa mga dahilan ng pagbabago ng ating kasaysayan at dahilan kung bakit tayo naging malaya ngayon sa kasalukuyan. Dapat nating pahalagahan ang mga nalimbag ng ating mga bayani, dahil sila ang dahilan ng ating pagkalaya. Sinulong nila ang ating karapatan bilang Pilipino. Tulad ni Apolinario Mabini, mamahalin ko din ang aking sariling bansa. Isusulong ko din ang nasyonalismo lalo na sa mga kabataang tulad ko na siyang nasimulan ng ating mga bayani at dapat na ipagpatuloy ngayon sa kasalukuyan.  Sa kabuuan, kasiya-siya ang aking pagbisita sa munting museyong ito. Lubos akong natutuwa dahil pinaunlakan ng nangangalaga dito ang aming pagdalaw kasama ang ilan sa aking kamag-aral sa kabila ng kasalukuyang pag-aayos sa museyong ito. Totoong kami’y namangha sa aming nasilayan. Sadyang kami’y napakapalad dahil isa kami sa nakakita at nakadama ng kasaysayan ng ating bansa.

Linggo, Hulyo 13, 2014


National Treasures
(A Journey through History)
Ni Architect Augusto Villalon


Reaksyon:

                       Ang ating kasalukuyan ay repleksyon ng ating nakaraan. Marami pang bagay na dapat malaman, matutunan, at dapat alamin pagdating sa ating kasaysayan.Ang paglalakbay tungo sa kasaysayan kasama si Architect Augusto Villalon ay nagpapakita ng kakaibang mga istorya tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Layunin niyang makatuklas pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa ating kasaysayan. Ang palabas na ito ay sadyang nakatulong sa aming mga estudyante lalo na sa pag-aaral ng kasaysayan.

                       Sa panonood nito, nadama kong para din akong nandoon sa loob ng bidyo kasama si Architect Villalon, para na rin akong nakarating sa iba’t ibang lugar. Marami akong natutunan, nadama ko ang mga kaganapan na nangyari sa kasaysayan.Dahil dito, may ilang parte sa bidyo na aking nagustuhan. Ilan sa mga ito ay mula sa ating bayani na si Dr. Jose Rizal, hanggang sa iba pang tala tungkol sa ating nakaraan. Ako’y napabilib sa aking mga nalaman lalo na tungkol sa ating pinagmulan bago dumating ang mga dayuhan. Sa pamamagitan ng mga labi, mga kagamitan at iba pa, isa itong patunay na tayo’y sibilisado at hindi mga mangmang ang ating mga ninuno bago tayo masakop ng ibang bansa.
                      Sadyang nakamamangha lalo na pagdating sa ating mga museyo, isa na rito ay ang “National Museum”.  Batay sa aking mga nalaman, nakatutuwang isipin na ang museyong ito ay museyo ng mga Pilipino. Pinakita dito ang pinagmulan ng ating mga ninuno, mula sa kagamitan, klima, mga hayop na nabubuhay sa panahong iyon at marami pang iba. Maraming mga bagay dito na naglalaman ng patunay tungkol sa ating kasaysayan hindi lamang ang mga ito.
                      Sa paglalakbay ni Architect Villalon, inalam  niya ang pinakaunang tao sa kasaysayan. Hindi ko akalain na mayroon pa pala akong dapat malaman tungkol dito. Galing sa Maynila, nagtungo naman siya sa Cagayan Valley. Sa Callao Cave, dito natuklasan ng mga arkeolohiya ang mga labi ng sinaunang tao. Ako’y natuwa ng malaman kong ayon kay Armand Mijares, ang “Callao Man”, isang small-bodied homo sapiens, ay mga taong nabuhay humigit kumulang “67,000 years old”. Nang marinig ko ito, ako rin ay nagtaka kung talagang may nabubuhay ba nang ganoon katagal. Pero dahil sa mga impormasyon at basehan na ipinakita, hindi nga malayong isipin na mangyari iyon. Hindi ko din sukat akalain na ang mga labi na nakita sa Tabon Cave ay ilan lamang sa mga patunay na ang ating mga ninuno ay namuhay ng mahabang panahon.
                       Dahil mahilig ako sa mga disenyo, ilan sa mga nagustuhan ko ay ang parte ng mga fossils, jars, pottery at iba pa na ginawa ng mga sinaunang tao.Nagustuhan ko ito dahil  ang bawat disenyong kanilang iginuhit at inihulma ay may iba’t ibang kahulugan, maaring ito’y sumasaklaw at sumasalamin sa kanilang pang-araw-araw na buhay, paraan ng paglilibing, pagkamatay at marami pang iba.
                      Nagustuhan ko din ang parte tungkol sa isa sa malaking bangka na ginamit noong unang panahon na natagpuan sa Butuan, ako’y natutuwa sapagkat nalaman kong ang ating mga ninuno na sumasakay dito ay nakarating na at nakipagkalakalan din sa iba’t ibang bansa tulad ng Tsina. Nakatutuwang isipin na tapat ang kanilang  pakikipagkalakalan at walang lokohan na nagaganap, patunay dito ang nakatala sa museyo tungkol sa ugnayan ng Tsino at Pilipino noong panahong iyon.
                      Ang huling parte na nakaagaw ng aking pansin ay ang Ifugao, kung saan matatagpuan ang “Rice Terraces”. Dahil sa angkin nitong ganda, naka-akit ito ng maraming turista. Ang pagkakabuo nito ay ang resulta ng pagtutulungan at bayanihan ng mga katutubo sa lugar na ito. Nakalulungkot mang isipin na dumating ang panahon na natanggal ito bilang isa sa “7 Wonders of the World” dahil sa ito’y napabayaan na. Ngunit ngayon, sa patnubay na rin ng gobyerno, ang yaman na ito ay unti-unting nanumbalik at napanatili sa dati. Sa tulong na rin ng mga kabataan at gabay ng mas nakatatanda, napapanatili din ang tradisyon, paniniwala at nakaugalian sa probinsyang ito.


                       Ang lahat ng ito ay aking napusuan at napuna habang pinapanood ang bidyo. Lubos itong nakasisiya dahil alam nating may malalim pang pinanggalingan ang ating kasaysayan at pinagmulan. Hindi lang basta nakasulat sa libro, mayroon ding mga patunay, mga kagamitan, artifacts, labi at iba pa na nagpapakita ng katotohanan. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal,” To understand the soul of the nation, it is necessary to open the book of its’ past”. Nahinuha ko na tama nga si Rizal, dahil upang maunawaan ng husto ang kasaysayan ng isang lugar, bagay o bansa, dapat nating buksan ang nakaraan nito, kung saan ito nagmula, ano ang nangyari,  at marami pang iba. Ako’y natutuwa sa aktibidad na ito dahil nadagdagan pa ang aking kaalaman tungkol sa kasaysayan ng ating bansa. Naisip kong napakasuwerte ko dahil napabilang ako sa mamayan ng bansang may mayamang pinagmulan, kakaibang kasaysayan, may magandang kultura, sagana sa likas na yaman at iba pa. Buong puso kong pinagmamalaki na ako’y Pilipino hindi lamang dahil sa dito ako lumaki, kundi buong puso kong pinagmamalaki ang mga yaman at kabihasnan na mayroon ang ating bansa na ngayo’y tinatamasa at minamahal sa kasalukuyan.

Watch this: https://www.youtube.com/watch?v=JK_fI7y8njg

Martes, Hulyo 8, 2014


Philippine Treasure (GMA-7 Documentary)
Hosted by Mel Tiangco


Reaction:
                   “History is a cyclic poem written by time upon the memories of man”. As I watch the documentary of GMA-7 about “Philippine Treasures” I realized that there are lots of treasures that we Filipino’s have since ancient times. We didn’t know that there are lots of unrevealing stories behind the history from a written book than what is really happening during that time. Through this documentary that I watched, it cleared my mind about the facts and stories that is true or might be true within the Philippine history.

                  I feel happy because we have many artifacts and collections that our museums have, right from Spanish colonialism down from American colonialism. One of the parts of the video that I like in the documentary is the ‘Ayala Museum’, one of the museums here in the Philippines. It shows the different designs and artifacts such as accessories made from gold which is used by our ancestors during ancient times.

                  As the GMA-7 document about these, it states that our ancestors before the Spanish colonialism are civilized and rich in natural resources such as minerals like gold. Like the teleserye “Amaya”, one of the shows in GMA-7. It represents how people lived in the past. They have a ruler called “Datu” down from the commoner to a slave. The accessories used in ‘Amaya’ are based from the “Gold of Ancestors”. These are the gold’s that were collected by the Ayala museum. They said that these are made during 10th century. They believed that our ancestors know how to make materials from gold, they know how to process. And because of these, I was also amazed by the “Golden Mandela”, one of the finest collections of the museum. It is four kilogram and its designs were really in detailed. So I thought that those people who lived in ancient times used all the things that surround them like coconut, shells, etc. to shape the gold. And as the document goes by, I was shocked that all of those collections were discovered only by a commoner, his name is Berto Morales. Those artifacts were found in the mountain of Surigao del Sur. He became rich but it is real about the sayings,” Ginto na, naging bato pa” because he lost his money after all of it. I realized that there are no such things that can be bought by money.

                 The other video that I like was all about the “Golden Tara”.  I was surprised that the “Golden Tara” from the museum in Chicago was actually came from the Philippines. There were also other artifacts, they are 7,000 in total. But the real thing is the Tara that was found in the Philippines was argued to bring it back in our country from “The Field of Museum of National History” in Chicago. In my opinion, I also agreed to return it back so that we can see it in our own bare eyes that these was one of the collections of our history, that these marks our past and these is one of the reasons why we must be proud of our country.


                 These are the few things that I like and marks into my mind while watching the video. For me, there are many things that we must know and we must discover about the history of our country. It is true that, “History brought back the past and remind us the future” because what we have today reflects the past. So, we should take care and appreciate all those artifacts that was found and now are displayed in our museums and we must salute our ancestors because they are the reason why we experience and lived in a best way. We must be proud that we are a Filipino.